Manatiling handa sa banta ng lindol. Makiisa sa Online First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Marso 11, 2021, 2PM.
Makiisa rin sa mga alternatibong aktibidad ng NSED bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng kahandaan sa gitna man ng pandemya.
Ngayong may pandemya, ang mga aktibidad para sa NSED ay nilipat online. Patuloy na ipinapanawagan ang suporta at kooperasyon ng publiko. Subaybayan ang mga sumusunod ngayong 2021 First Quarter Online NSED:
Marso 4, 2021 (10:00AM to 12:00nn): Earthquake Preparedness Webinar
Marso 9, 2021 (3:00PM to 5:00PM): #BidaAngHanda Online Quiz Bee
Marso 11, 2021 (1:00PM to 2:00PM): Online NSED-Ceremonial Pressing of the Button
Inaanyayahan ang lahat na maki-duck, cover, and hold sa kani-kanilang tahanan at opisina sa Marso 11, 2021, 2PM. Tandaan laging #BidaAngHanda!
Ang NSED sa pangunguna ng Office of Civil Defense ay pagsasanay na isinasagawa apat na beses sa isang taon upang palakasin ang kahandaan ng sambayanan sa lindol.



